Advertisers

Advertisers

House Prosecution, umaasang makakapagbigay na ng hatol kay VP Sara ang Impeachment Court bago mag-Pasko

0 17

Advertisers

UMAASA ang House Prosecution Panel na mabilis ng matatapos ang impeachment trial at makakapagbigay ng hatol ang Impeachment Court kay Vice President Sara Duterte bago mag-Pasko.

Pahayag ito ni House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, matapos i-atras ng defense team ni VP Sara ang marami o 16 sa mga testigo nito.

Sa pagtaya naman ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, kayang-kayang matapos ngayong Nobyembre ang pagpresenta ng defense team sa impeachment trial ng walo hanggang sampung mga testigo.



Kaya sa tingin ni Ridon ay posibleng magkaroon na ng pagpapasya ang Senate Impeachment Court sa Disyembre.

Maging si House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin, ay nakikitang malapit ng matapos ang paglilitis kay VP Sara dahil malinaw na hirap na hirap ang mga testigong ipiniprisenta ng defense team sa pagpapaliwanag ng mga hindi na yaman ng pangalawang pangulo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">