Advertisers
NASAWI ang tatlo katao at kritikal ang isang lalaki nang magbanggaan ang isang motorsiklo at tricycle sa Barangay Taft, Tapaz Capiz, Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 20, 2026.
Kinilala ang mga nasawi na mag-asawang sakay ng tricycle, na kapwa idineklarang dead on arrival (DOA) sa ospital sa Tapaz, at ang driver ng tricycle na binawian din ng buhay habang ginagamot.
Samantala, isinugod sa isang ospital sa Roxas City ang backrider ng motorsiklo na nagtamo ng malubhang pinsala at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Tapaz Municipal Police Station, pinaniniwalaang mabilis ang pagpapatakbo ng rider ng motorsiklo. Nawalan ito ng kontrol sa manibela at napunta sa kabilang lane kungsaan kasalubong nito ang tricycle.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong pangyayari sa likod ng aksidente.