Advertisers

Advertisers

‘KASO NI ROMUALDEZ MAARING MATAPOS SA LOOB NG 1 TAON’

0 13

Advertisers

TIWALA ang Office of the Ombudsman na mapapabilis na matapos ang kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ang pagsuko sa mga otoridad ni Samchan Foreign Exchange Corp. president Felicito Guevarra na kapwa akusado ni Romualdez, ay maaring sa loob ng isang taon ay matapos na nila ang kaso.

Nagbalik ng pera si Guevarra ng P324 milyon sa gobyerno. Ito ang halaga na kaniyang komisyon o kinita sa transaksyon.



Dahil dito ay testigo siya para sa pagdinig laban kay Romualdez.

Napirmahan narin ni Remulla ang ‘immunity agreement’ kaya magiging state witness na si Guevarra.



Ayaw rin nito ng magkaroon pa ng delaying tactics kaya kapag naipursige ang kaso ay mabilis itong matatapos.

Kung noon ay aabot sa 15 taon bago matapos ang kaso, ngayon ay baka aabot na lamang ito sa isang taon.



Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Guevarra, na kapwa akusado ni Romualdez at dating Ako-Bicol partylist Rep. Zaldy Co, sa maanomalyang kontrata sa mga flood control projects.

Nahaharap sina Romualdez at Co sa P7.44 bilyon na plunder case, kungsaan kapwa nila itinanggi ang alegasyon.