Advertisers
ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang 18 dayuhan sa pagsalakay sa isang parcel scam hub sa Pasay City.
Naaresto ng BI Fugutive Search Unit (FSU ang siyam na Japanese, 2 Taiwanese, 4 Chinese at 2 Indian nationals, kabilang sa kanila ang mga puganteng Japanese na sina Yuto Takahashi, 30 anyos; at Matsumoto Shohei, 33, na kinilala sa pakikipag-koordinasyon sa Japan’s National Police Agency.
Ang mga sangkot sa parcel scam ay nagpapanggap na mga courier personnel, sinasabi sa biktima na ang parcel na naka-link sa kanilang parcel ay naglalaman ng illegal items. Ang biktima ay ililipat sa isang nagpapanggap na police officer kungsaan pagbabantaan aarestuhin sila o ipi-freeze ang kanilang asset. Ang isa pang scammer ay hihimukin ang biktima na maglipat ng pera sa isang GCash at berifikadong account.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na pana-nagutin ng kagawaran ang mga dayuhan na nambibiktima sa Pilipinas, at siniguro ang bansa ay hindi magiging “launchpad for transnational fraud syndicates”..
Ang mga naarestong dayuhan ay inilipat sa BI Warden Facility sa Taguig City habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at immigration proceedings.
(Jocelyn Domenden)