Advertisers

Advertisers

2 NPA ‘utak’ sa Masbate bombing arestado sa Antopolo city

0 20

Advertisers

ARESTADO ang dalawang mataas na lider ng New People Army (NPA) na nasa likod ng 2021 Masbate bombing, na ikinasawi ng FEU football na si Kieth Absalon at pinsan nito si Novel, ang naaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detectin Group (CIDG) sa pinagtataguang hide out sa Antipolo City
Kinilala ang dalawang nadakip sa alias “Ka Gemo” at “Ka Dayo”.
Si Gemo, ang deputy secretary ng Bicol Regional Party Comittee na itinuturing na No. 9 Provincial Most Wanted Person sa Masbate at mayroon patong sa ulo na P150,000.00; habang si Ka Dayo ang nagsisilbing acting secretary of Sub-Regional Committee 1 ng BRPC na mayroon patong sa ulo na P60,000.00.
Ayon kay Major General Robert AA Morico, CIDG Director, 1:30 ng hapon nang maaresto ng pinagsanib na mga elemento ng CIDG Rizal Provincial Field Unit, Special Operations Team ng CIDG Regional Field Unit 4A, Regional Mobile Force Battalion 4A, at Antipolo City Police Station sa Sitio Mahai, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.
Inaresto ang mga suspek base sa 14 warrants of arrest sa mga kasong Multiple Counts of Murder, Multiple Attempted Murder, Frustrated Murder, Multiple Frustrated Murder with Damage to Property, Direct Assaults with Frustrated Murder, Direct Assaults, at Kidnapping with Murder na ipinalabas ng Korte.
Sinabi ni Morico na ang dalawang naaresto ay sangkot sa pagplaplano ng pag-atake sa pamamagitan ng pagtatanin o paglalagay ng mga IED, sanhi ng pagkamatay ni Absalon at pinsan habang nagbibi-sikleta nang sumabog ang bomba sa Masbate noong June 6, 2021.(Mark Obleada)