Advertisers
SUMULAT kay National Bureau of Investigation (NBI) ang Second Secretary at Consul ng Korean Embassy dito sa Pilipinas upang isumbong ang ‘kababa-laghan’ sa pagkawala ng pera at mga kagamitan ng dalawang Korean nationals na inaresto ng NBI kamakailan.
Samantala, patuloy parin ang panawagan ng mga residente mula sa Central Luzon kay Pangulong “Bongbong” Marcos para atasan si NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na linisin ang buong hanay ng NBI-Region 3.
Sa isang sulat na ipinadala kay Matibag ni Korean Consul Kim Byunghan, sinabi nitong ang kanilang kababayan na sina Shin Jaeho, 40 anyos; at Go Sangsoo, 48, ay napagkamalan ng mga ahente ng NBI nang arestuhin dahil sa drug related incident.
“It was reported that, following approximately five hours of investigation, it was confirmed that they were not the individuals being sought by the National Bureau of Investigation (NBI), and they were subsequently released without charges,” anang sulat ni Byunghan na nakuha ang ‘xerox copy’ nito ng Police Files Tonite.
“However, it was noted that during the arrest, cash and valuables from safe containing P1.5 million belonging to Mr. Go, two luxury watches, and approximately KRW 8 million (P380,520) were place in a bag and confiscated,” sabi pa sa sumbong.
“Despite their release without charges, the confiscated items have yet to be returned by the NBI to date. Furthermore, it was discovered that P100,000 in cash belonging to Mr. Shin, which had been kept in a wardrobe was also missing,” dagdag pa sa sumbong.
Habang isinusulat ito ay hindi pa malinaw kung naibalik na ng NBI ang mga ‘kinuhang gamit’ sa mga napagkamalang Korean suspects.
Nabatid na ang Pampanga NBI ang nagsagawa ng ‘kontrobersi-yal’ na operasyon, na pinamumunuan ni Atty. Eric Isidoro. Sa halip na madisiplina, ay na-promote pa ito sa puwesto at inilagay bilang hepe ng NBI-Olongapo City.
Si Isidoro ay minsan nang naging kontrobersiyal sa NBI dahil sa pagkakasangkot umano sa shabu laboratory sa Camarines Sur, dahilan para mawala ito sa puwesto.
Ang padrino ni Isidoro ay isang alyas “Red” na malapit kay Matibag, ayon pa sa importante.
Samantala, batbat din ng intriga ang NBI Region 3, dahilan para usisain ni Matibag sina NBI Region 3 director Christoper Hernandez at Assistant Regional Director Vic Lorenzo.
Partikular sa dapat tanungin sa dalawang opisyal kung totoo bang may tumatanggap na kotong sa NBI Central Luzon mula sa mga iligalista sa jueteng, STL, paihi, prostitusyon, pati ang sugal lupa na perya at sakla.
Isang alyas “HPG Manny” umano ang pasimuno ng kotong, gamit ang isang alyas “Patrick” na umano’y isang kolektor o tagadampot ng ‘weekly protection money.’
Dapat ay alamin din kay NBI-Region 3 ARD Vic Lorenzo kung totoo bang siya mismo ang nakikipag-usap sa mga illegalista? Marapat na magpaliwanag ito sa publiko upang hindi na tuluyang masira ang kanyang pangalan.
Posible, aniya, na may guma-gamit lamang sa pangalan nito, bagaman ilan sa mga illegalista ang nagyayabang na ‘pasok’ na sila sa NBI at wala nang sinumang makakabuwag pa sa kanilang illegal na aktibidades, lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ilan sa illegal operators na ha-yagang magyabang na ‘nabayaran’ na nila ang ilang NBI officials ay sina Marlon at Imelda na may sindikato ng paihi ng gasolina sa Orani, Bataan; gayundin sina Gie sa Tucop; Rap J ng Larac; Cris at Darwin ng Hermosa; Kap Lacey ng Manbog; Ren ng Samal; Ruby at Velasco ng Abucay, Malen ng Lamao at Pingay ng Limay, Bataan.
Sa Sakla ay todo kamada rin ang ilang NBI personnel sa pangunguha ng tongpats sa mga illegalista na sina Dexter ng Angeles City; Jessie ng Tarlac; at Ricky G ng Concepcion.
May mga perya rin sa Angeles City at Bulacan na parang mga kabute na nagsusulputan ngayon.
Bukas naman ang Police Files Tonite sa anumang reaksiyon at tugon ng NBI hinggil sa artikulong ito.