Advertisers

Advertisers

‘Freeze’ ang assets nina Cong. Leviste at ex-DoE Sec. Cusi

0 11

Advertisers

SERYOSO ang Marcos administration na bawiin ang mga nadambong at ipakulong ang mga mandarambong sa Pilipinas.

Oo! Pina-freeze na ng Court of Appeals ang assets ng dalawang bilyonaryong mga DDS, sina Congressman Leandro Legarda-Leviste ng Batangas at dating Energy Secretary Alfonso Cusi.

Kaugnay ito ng solar energy contracts na nakorner mg mga kompanya ni Leviste habang kalihim ng Department of Energy (DoE) si Cusi.



Bago napunta sa DOE, si Cusi ay General Manager sa NAIA kungsaan naging talamak ang “tanim bala”, na sumira sa noo’y pa-expire nang administrasyon ni late Noynoy Aquino, at nawala lang nang maging pangulo si Digong Duterte.

Pagkaupo ni Duterte, agad binigyan ng magandang puwesto si Cusi. Wala lang…



Nabisto ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang biglang paglobo ng mga perang pumasok sa mga bank account ni Cusi, sabay ng pagiging multi-bilyonaryo ni Leviste, at sumingaw ang mga katiwalian.

Freeze ang assets bila ngayon.



***

Isang malaking katanungan ang lumutang matapos pangalanan mismo ng defense witness na si Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino S. Rodolfo ang isang Lolita Paimalan bilang bagong presidente ng kontrobersiyal na Cale88 Foods Corporation, ang kumpanyang dating pag-aari ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Pero mas nakakagulat ang mga impormasyong kumakalat tungkol sa pagkakakilanlan ni Paimalan. May mga nagsasabing ang Lolita Paimalan, na kilala nila sa Davao, ay matagal nang patay, umano’y pumanaw noong 2021!

Wala pang independently verified death record na nagpapatunay sa naturang claim, kaya kailangang matukoy kung iisang tao nga lamang ang tinutukoy. Pero kung ito nga ang parehong Lolita Paimalan na nakalista sa government records bilang bagong presidente ng Cale88, napakalaking usapin nito na hindi dapat basta palampasin.

Sa mismong impeachment hearing noong November 20, ipinakita ni Rodolfo ang mga dokumentong nagpapakita ng pagbabago sa management ng Cale88. Nang tanungin kung sino ang mga bagong opisyal, sinabi niya:

“Ito na po yung mga bagong may-ari, bagong presidente nung CALE88 Foods Corporation.”

Pinangalanan niya si Lolita Paimalan bilang presidente, kasama sina Chris Chu bilang legal officer, at Leo Sacurom bilang compliance officer.

Sa 2025 General Information Sheet ng Cale88, nakalista si Paimalan na may 5% ownership, habang 95% ang hawak ng Pikimong Pikimong Philippines Corporation.

Dito pumapasok ang mas malaking tanong: SINO BA TALAGA SI LOLITA PAIMALAN?

At kung may posibilidad na ibang tao ang gumagamit ng pangalan niya, sino ang tunay na kumokontrol sa kumpanya?

Puwede bang ipa-subpoena ng impeachment court si Paimalan?

YES. Sa ilalim ng Rules of Procedure on Impeachment Trials, may nakasaad na maaaring maglabas ng subpoena upon application ng prosecution o ng impeached party at kanilang counsel.

Ibig sabihin, maaaring hilingin ng prosecution na ipatawag si Paimalan upang personal na linawin ang kanyang pagkakakilanlan, ownership stake, pagiging presidente ng Cale88 at kung sino talaga ang nagpapatakbo sa kumpanya.

Hindi awtomatikong nangangahulugang ipapatawag siya ng korte, pero may legal na mekanismo para mangyari ito.

– Post ng The Daily Netizen