Advertisers
NATUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pumaslang kay Basilan Regional Trial Court (RTC) Judge Joseph Wee Sit, kabilang ang dalawang gunman, getaway driver at isang prominenteng personalidad sa katimugan na umano’y nagpondo sa sasakyang ginamit sa krimen.
Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, Major General Robert Morico II, natukoy ang mga suspek matapos ang backtracking at forward-tracking operations na tumukoy sa kanilang mga galaw bago at pagkatapos ng ambush sa Zamboanga City noong Nobyembre 19.
“We were able to identify several individuals. Two of them are gunmen, one is the driver of the pickup. We have also identified the motor vehicle used, its owner, and the person who financed its purchase. He is a prominent political figure in the south,” ani Morico.
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek, habang inaalam kung may kaugnayan ang pagpatay sa mga kasong hinawakan ng 38-anyos na Judge, kabilang ang multiple murder case na kinasasangkutan ng isang vice mayor ng Basilan at iba pang indibidwal na may mga na-kabinbing warrant of arrest.
Katuwang ng CIDG ang Intelligence Group at Police Regional Office 9 (PRO-9) sa manhunt operations. Nakatakda ring tapusin ng pulisya ang case build-up nga-yong linggo matapos padalhan ng subpoena ang ilang politiko mula sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi upang humarap sa imbestigasyon.
Nauna nang sinampahan ng kasong murder ang limang suspek, kabilang ang mga gunman, motorcycle driver at driver ng getaway vehicle.
Pinagbabaril si Wee Sit ng mga lalaking sakay ng motorsiklo habang papunta sa trabaho sa Zamboanga City. Sa CCTV footage, makikita ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na sumingit sa kanyang sasakyan bago nagpaputok.
Nakapagmaneho pa ng ilang metro ang judge matapos ang pamamaril, ngunit kalaunan ay nasawi sa ospital. Anim na tama ng bala ang natamo niya, habang walong basyo ng .45-caliber pistol ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.
Inaalam din ng mga imbes-tigador kung may kaugnayan ang krimen sa kasong multiple murder na hinawakan ni Wee Sit laban kay Hadji Muhtamad Basilan Mayor Arsina Nanoh, na iniulat na may warrant of arrest na inilabas ng judge.
Nananatiling at large si Nanoh at iba pang perso-nalidad na may mga naka-binbing warrant of arrest, ayon sa case background na ibinigay ng mga awtoridad.
Nauna nang bumuo ang PNP ng special investigation task group upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pagpatay. Naglunsad din ng hiwalay na imbestigasyon ang Department of Justice.