Advertisers

Advertisers

TITSER INALOK NG P2K ANG NURSING STUDENT PARA MAG-SEX!

0 79

Advertisers

ARESTADO ang isang 34-anyos na high school teacher nang alukin ng P2,000 ang isang babaeng nursing student kapalit ng pakikipagtalik sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.
Batay sa paunang impormasyon, naghihintay ng masasakyan ang 23-anyos na estudyante 10:00 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 21, nang lapitan siya ng lalaki.
Noong una, inakala ng estudyante na nag-aalok ang lalaki ng motorcycle taxi service, nguni’t kalaunan inalok na siya nito ng pera kapalit ng pakikipagtalik.
Tumanggi ang estudyante at lumayo, nguni’t patuloy umano siyang pinilit ng lalaki.
Nakuha sa video ng estud-yante ang bahagi ng insidente bago tumakbo ang lalaki nang mapansing kinukunan na siya.
Hinabol ng estudyante ang lalaki habang humihingi ng tulong sa mga tao sa paligid. Ilang motorista ang humarang sa lalaki, habang may mga sibilyang nanakit din sa kanya.
Ayon kay Marvin Mero ng Barangay Dela Paz Anti-Crime Unit, humingi ng paumanhin ang lalaki nang dalhin sa barangay.
Gayunman, tumanggi ang estudyante na makipag-areglo kahit nag-alok pa ng karagdagang pera ang lalaki.
Sinabi rin ng estudyante na lalo siyang naging determinado na ituloy ang reklamo nang payuhan siyang huwag nang magsampa ng kaso dahil masasayang lamang ang kanyang oras at pera.
Nabatid ng mga opisyal ng barangay na isang lisensiyadong guro ang lalaki nang ipa-kita nito ang kanyang Professional Regulation Commission (PRC) identification card.
Dinala ang lalaki sa Antipolo City Police Station para sa kaukulang proseso.
Tumanggi naman ang lalaki na magbigay ng detalyadong pahayag, sinabing ipauubaya niya sa kanyang abogado ang pagpapaliwanag sa insidente.
Nahaharap ang guro sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 11313 (Safe Spaces Act), na nagpaparusa sa mga hindi kanais-nais na seksuwal na pananalita, imbitasyon at iba pang uri ng sexual harassment sa mga pampublikong lugar.
Wala pang opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng insidente, at posibleng administratibong pananagutan ng guro.