Advertisers

Advertisers

Imahen ng ilang santo sa simbahan sa Albay sinira

0 190

Advertisers

ILANG imahen ng mga santo sa isang simbahan tulad ni Padre Pio ang nilapastangan sa Legazpi City, Albay.
Sa ulat, pinutol ang mga daliri sa kamay at paa, at binasag din ang siko ng imahen ni Padre Pio.
Ang imahen naman ni Virgin Mary ay tinuklap ang mukha ng anghel sa kaniyang paanan.
“Hindi gawa ng isang matinong tao ‘yon,” ayon kay Executive Master Sergeant Guilbern Patacsil, Jr., ng Legazpi Police Public Information Office.
Hindi matukoy ang salarin dahil walang nakakita sa insidente at walang CCTV sa lugar.
Kaya naman naglagay ang pulisya ng nagpapatrolya malapit sa simbahan at naglagay na rin ng CCTV ang simbahan.
Umaasa naman si Legazpi Bishop Joel Baylon na mapagtatanto ng salarin na mali ang ginawa nito sa mga imahen.