Advertisers
SA kulungan ang bagsak ng isang barangay tanod at kanyang hipag nang masamsaman ng higit sa P1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang naaresto na sina Kathrice Leongson, 31 anyos, ngTaurus St.; at bayaw na si Mark John Melejor, 28, barangay tanod ng Aries St., kapwa ng Barangay San Roque.
Sa report, 9:00 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas Police deputy chief for operation Lt.Col. Antonio Naag sa Bgy. San Roque.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng shabu na nagkakahakaga ng P1,003,680.00 at buy-bust money.
Ayon sa report, kasaluku-yang nakakulong ang asawa ni Leongson na naaresto kamakailan sa isang drug operation, naging dahilan upang ipagpa-tuloy ni Kathrice ang pagtutulak ng mister kasama ang bayaw.