Advertisers

Advertisers

10 pulis, 7 PDEA agents sa “misencounter” ginigisa

0 409

Advertisers

INILAGAY sa restrictive custody sa Camp Crame ang 10 pulis at 7 ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na direktang sangkot sa madugong buy-bust operation sa Quezon City noong Miyerkoles ng umaga.
Hindi pa makapagbigay ang Philippine National Police (PNP) at PDEA ng buong detalye hinggil sa nasabing ope-rasyon dahil pinagtatahi-tahi pa nila ang lahat ng impormasyon at testimonya ng mga pulis at PDEA agents, maging ang iba pang ebidensyang kanilang nakalap.
Samantala, iniutos narin ni Pangulong Rody Duterte sa National Bureau of Investigation ang pag-imbestiga sa naturang “misencounter” na nagresulta ng pagkasawi ng 2 pulis, isang PDEA agent at police asset.