Advertisers

Advertisers

Mag-asawang senior patay sa pananaga

0 250

Advertisers

PATAY sa pananaga ang mag-asawang senior citizens sa Aroroy, Masbate.
Kinilala ang mga biktima na sina Rubion, 75 anyos; at Corazon Arciete, 60.
Sa ulat, suspek sa pananaga si Kano Yamzon na madalas makitulog at makikain sa mga biktima.
Ayon sa report, tadtad ng taga sa katawan ang mag-asawa nang matagpuan ng kanilang anak sa loob ng kanilang bahay nitong Lunes.
Bago nasawi, nasambit daw ni Corazon ang pangalan ng salarin, si Yamzon.
Naaresto si Yamzon nitong Huwebes sa tulong ng mga kaanak at mga taga-barangay.
Sinampahan na si Yamzon ng reklamong two counts of murder.