Advertisers
PWEDENG pumili ng ibang brand ng bakuna kontra COVID-19 na ituturok sa kanila ang mga sundalo.
Sinabi ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung hindi gusto ng mga sundalo ang bakunang likha ng Chinese company na Sinovac.
Subalit sinabi ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo na hindi na ito magiging libre at kailangan nang bayaran ng mga sundalo ang pinili nilang brand ng bakuna.
Paliwanag ni Arevalo, hindi na kasi nakalaan sa AFP ang iba pang brand ng anti-COVID-19 na kanilang pipiliin maliban sa Sinovac.
Dagdag pa ni Arevalo, kinakailangan mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng 150,000 miyembro ng AFP dahil magsisilbi itong proteksyon sa kanila.
Inaasahang darating ang unang batch ng 600,000 doses ng anti COVID-19 vaccine ng Sinovac sa linggo, Pebrero 28, kung saan 100,000 ang nakalaan para sa militar. (Josephine Patricio)