Advertisers

Advertisers

Cook sinunog ang dating pinapasukang restoran

0 258

Advertisers

DINAKIP ang isang lalaki nang tangka nitong sunugin ang dating pinapasukang restaurant sa Malolos, Bulacan noong Linggo, Marso 7.
Kinilala ang inaresto na si Louie Mangabat.
Sa ulat, nasunog ang ilang bahagi ng bubungan ng naturang restaurant sa Barangay Mojon, Malolos.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang paglapit ng isang lalaki at paghagis nito sa restaurant ng tila bote na may apoy at mabilis na tumakas angkas ng isang motorsiklo.
Kinumpirma ng guard on duty na si Mangabat ang nakita niya nang gabing iyon na may hawak ng bote at naghagis nito sa kainan.
Ilang oras matapos ang insidente, nahuli si Mangabat pero nananatiling at-large ang driver ng sinakyang motorsiklo.
Napag-alaman na dating cook sa restaurant si Mangabat, pero dahil sa pandemic, hindi na muna ito pinapasok.
Sa panayam ng BFP sa may-ari sa restaurant, hindi na nila pinabalik pa ng trabaho si Mangabat dahil nalaman nilang nalulong ito sa masamang bisyo.
Sinampahan ng kasong arson si Mangabat.