Advertisers

Advertisers

After maging Youtube Superstar… Alex Youtuber of the Year naman; Sister na si Toni namamayagpag din sa YT Channel

0 292

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SINA Alex at Toni Gonzaga ang sumira sa record sa showbiz na kapag magkapatid na parehong artista ay hindi sisikat ang isa.

Yes, from movies and television, maging sa social media ay kapwa star ang Gonzaga sisters at talagang naabot ng dalawa ang mega success sa kanilang respective careers.



Hayan, kapapanalo pa lang ni Alex ng award sa Youtube bilang “Youtube Superstar” ay isa na namang bagong parangal ang ipinagkaloob sa kanya ng 2nd VP Choice Awards bilang “Youtuber of the Year.”

Yes, kinabog lahat ni Alex ang malalaking Youtuber sa bansa. Si Toni naman, kahit na bago pa lang ay mapapahanga ka sa malalaking views nito bawat episode sa kanyang official Youtube channel na Celestine Gonzaga na as of March 7 ay may 2.66 million subscribers na ang views ay umaabot sa over 5 million.



Bukod kasi sa very articulate at well-educated ay magaganda ang topics (kabilang na ang parenthood) sa nasabing vlog ni Toni at very interesting panoorin ang mga guest nitong kilalang celebrity.

Si Alex naman ay more than 10 million na ang subscribers sa kanyang well-followed sa buong mundo na YT chanel.



***

“TARAS” Movie Ni Direk Reyno Oposa, Naipasa Na Sa Cinemalaya

Excited na si Direk Reyno Oposa, kanyang mga artista at buong team sa independent movie outfit na Ros Film Production, para sa ipinagmamalaking pelikula this year na “TARAS,” na mula sa direksyon at script ni Direk Reyno.

Naipasa o sumbit na ito sa Cinemalaya na agad namang inacknowledge ng said prestigious film festival. Sa short film category, isinali ni Oposa ang movie niyang ito na pinagbibidahan ni Dennis Cruz (anak ni Rosanna Roces).

Tatakbo ang kwento sa character ni Tonyo (Thania Pukutera), ang masayahin at mabait na nagbebenta ng basahan. Hanggang sa makilala at maging customer si Richard (Dennis), mayaman, mabait at galante pero may lihim palang itinatago sa pagkatao.

Hanggang sa magtalo sila ng pokpok (Kate Denice Li) at kay Tonyo ibinunton lahat ng binata ang kanyang galit. Walang awa niyang pinatay ng brutal si Tonyo. Ang twist sa paghahanap ng hustisya ng ina (Elizabeth Luntayao) ay may dumating sa kanilang tahanan si Richard, at nagpakilalang Chief Inspector. Makamit pa kaya ang hustisya para sa anak at ang kriminal at ang inspector na si Richard ay iisa.

Kaabang-abang ang pelikula na trailer pa lang ay kahanga-hanga na. Co-directors ni Oposa sa proyektong ito sina Direk Bhuboy Pioquinto at Jessamine Maranan at Neil Espiritu na co-writer ni Direk Reyno at cinematographer ng movie. Si Neil din ang gumawa ng mala-Hollywood na poster ng said film.

***

Bea Alonzo’s Loyal Fan From Ireland, Natuwa At Vindicated Ang Idolo

Halos tuwing vlog namin sa Youtube under our PPA Entertainment Network ay nanonood si Ma. Victoria Latimer from Ireland. Idol ni Ma. Victoria si Bea Alonzo kaya tuwing may news kami about Bea ay talagang tinututukan niya dahil for her ay ito ang nangunguna among our actresses.

Natuwa pala ang kind hearted viewer naming ito na very supportive nang aming ibalita ang pagiging vindicated ni Bea sa issue ng “Ghosting” dahil inamin na nga ng former boyfriend ng magandang aktres na si Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto.

Malinaw na habang sila pa ng aktor ay nagtaksil talaga ito sa kanya. Bilang support ni Ma. Victoria kay Bea ay lahat ng movies at mga teleserye ni Bea ay kanyang pinanonood. Excited na ito sa movie ni Bea with Alden Richards at iba pang gagawing proyekto ng kanyang idol.

Fan din si Ma. Victoria ng Bea Alonzo-John Lloyd Cruz tandem.