Advertisers
Ni WALLY PERALTA
UNTI-unti na ngang nagki-klik sa viewers ang commercial ads para sa isang sabong pampaligo na ginawa ng anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz.
Tulad ng ibang baguhan na unti-unting napapansin ng masa ay hindi rin nakaligtas si Angelina sa mga basher. Ang mas matindi pa rito ay mismong sa eskuwelahan kung saan siya nag-aaral ay na-bash nang husto si Angelina.
The blind item which was written on the freedom wall of DLSU was about a person who has a ‘perfect soap commercial’ and where the anonymous writer said that they’re hoping the same will be given to group work, na tila pinalalabas ng nag-post na si Angelina ay sa commercial lang masipag mag-effort para sa grupo at hindi sa totoong buhay na siya ay isang estudyante.
Hindi naman ito pinalampas ni Angelina at pinatulan ang naturang basher na tila kaeskuwela at kaklase niya. At siempre to the rescue rin ang ina para sa kanyang anak na dalaga.
“I saw this circulating around with comments hinting at me, I might as well address it because it’s so frustrating to see these false accusations continue. I know i do my parts, and groupmates of mine, past or present can vouch for me.
“I really don’t see the point of targeting me just because you’re hidden behind anonymity. Next time, you’re free to just message me if you think my work was lacking,” say ni Angelina.
Maging ang inang si Sunshine ay ‘di napigilan ang sarili at sinagot din ang naturang basher.
“If this is indeed true, reveal yourself. I know how hard working my daughter is when it comes to school. She won’t be a deans lister for nothing. Be proud of other people’s achievements and stop bringing them down,” wika naman ni Sunshine.
***
ANYTIME soon ay maaaring magsilang na ng sanggol si Sophie Albert na panganay na anak nila ng partner na si Vin Abrenica.
Sa muling paglaganap ng COVID 19 sa bansa at halos punuan na muli ng mga COVID 19 patients ang mga ospital ng mapapribado man o pampubliko, ano kaya ang plano nina Vin at Sophie sa panganganak ng huli?
Inamin ni Sophie na sadyang pumasok sa kanyang isipan ang water birthing lalo pa nga’t matiwasay na nagawa ito ng mga first time mom din sa showbiz na sina Max Collins at Coleen Garcia.
“Water birthing was something I considered. But because, you know, it’s my first time, I think I would feel more comfortable being in the hospital. I feel I would be more comfortable knowing na for any scenario I would be ready. Although ideally sana ‘di ba?” ani Sophie.
Sa katunayan nga raw ay inaral pa ni Sophie ang proseso ng water birthing.
“I was reading about it, I was studying it, I really considered doing water birth at home but eventually I decided to just do it in the hospital and hope for the best na Vin will be able to be with me,” saad pa ni Sophie.