Advertisers

Advertisers

Kitkat nagreak nang akusahang may ‘attitude’

0 329

Advertisers

NI ROMMEL PLACENTE

SINAGOT ni Kitkat ang isang netizen na nagsabing may attitude siya kaya hindi na siya makababalik sa dati nilang show na Happy Time sa Net 25.

Sagot ni Kitkat published as is, “Ako na pinagmumumura ng P.I. pinagdududuro, pinagsisigawan sa mic at harap ng marami tao at pagtapos nagtuloy ng show mag isa ako pa may attitude???



“Babae ka? Kung babae ka wag sana mangyari sayo or sa anak or pamilya mong babae. Kung lalaki ka naman, patol ka talaga sa babae at bata? Well Godbless… i pray na hindi nyo maranasan ang sinapit ko. And by the way nagtetherapy ako ngayon sa trauma na sinapit ko… 6 months akong nagtitiis sa co host ko kung di ako malakas baka nabaliw na ako ng tuluyan Watch ur words di moko kilala!…

Sumagot ang netizen, “un Ang news po, Sana nkabalik kapa kung wla k ksalanan watch your words also.”



Paglilinaw ni Kitkat (published as is), “wala akong sinabing masama ano iwawatch ko sa words ko?? Ikaw ang nagsalita na ‘MAY ATTITUDE’ ako. Basa ka din ng maigi sino ang biktima. Gaya ng sabi ko marami at lahat nakita ang pangyayari and naka taped din yun and even marco sison sya mismo ang saksi.

“Ang sinasabi ko wag ka po nagsasabi ng may attitude ang tao kung di mo kilala at di mo alam ang pangyayari. Pangalawa po, babae ka man or lalaki lahat ng ginawa sa akin i dont think itotolerate ng kahit sinong nasa tama ang isip… ingat po…”



In fairness kay Kitkat, wala siyang attitude. Professional siyang katrabaho, sa totoo lang naman.