Rocco aprub sa misis ang makasama muli sa serye ang ex-syotang si Lovi; Derek inakusahan, pera lang ang habol kay Ellen
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KIBIT-balikat na lang ang reaksyon ni Derek Ramsay sa mga nag-aakusa sa kanyang pera lamang ang habol niya sa sexy actress na si Ellen Adarna na mula sa prominenteng pamilya.
Ayon sa panayam sa kanya ni G3 San Diego, hindi na raw siya bothered sa opinyon ng mga tao.
Nilinaw din niya ang impresyong siya raw ay non-marrying type.
Aniya, siya man ay naa-amaze kung paano siya tinamaan ng Kupido kay Ellen.
Kinunsulta pa nga raw niya ang kanyang ina bago mag-propose kay Ellen.
Pati raw ang kanyang anak na si Austin ay nagbigay ng basbas sa kanyang marriage proposal sa fiancee.
Ang mommy daw naman niya ay gustong ibigay sa kanya ang 7.8 carat diamond ring nito subalit tinanggihan niya ito.
Lahad pa niya, ang engagement ring daw na iniregalo niya sa nobya ay muntik nang mabulilyaso dahil dumating ito sa mismong araw ng kanyang proposal kay Ellen.
Ayaw namang i-reveal ng aktor kung magkano ang pricey diamond ring na bigay nito kay Ellen.
Klinaro rin niya na ang engagement ring niya kay Ellen ay hindi “hand me down” mula sa kanyang mga ex.
Bagama’t wala pang date, ang kasal daw nila ay mangyayari ngayong taon.
***
IBINALITA ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na suportado ng kanyang misis na si Melissa Gohing, dating star volleyball player, ang muling pakikipagtrabaho niya sa ex na si Lovi Poe.
Katunayan, ito pa nga raw ang nagengganyo sa kanya para tanggapin ang offer na makasama sa Owe My Love, ang teleseryeng pinagbibidahan ni Lovi at Benjamin Alves.
“Siya mismo ‘yung nagsabi sa akin na ‘Ituloy mo na ‘yan’ kasi magandang trabaho. Kinuwento ko sa kanya ‘yung role and she was excited for me, sa totoo lang and I was really surprised,” ani Rocco.
Ayon pa kay Rocco, wala nang awkwardness sa kanila ni Lovi lalo pa’t maligaya na rin sila sa piling ng kanilang mga partner.
Si Lovi ay happy na rin sa piling ng nobyong si Montgomery Blencowe na isang British businessman.
Sa Owe My Love, gagampanan ni Rocco ang papel ni Doc Kenneth Paul, ang magiging karibal ni (Benjamin Alves) sa puso ni Sensen (Lovi Poe).