VP Leni naglunsad ng libreng tele-konsulta service

Tugon sa atensyon-medical sa Covid-19

148

LIBRENG teleconsultation service ang bagong handog ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng atensyong-medikal sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang ‘Bayanihan E-Konsulta’ Facebook page ay inilunsad ng Bise Presidente nitong Miyerkules para makatulong sa outpatient cases sa Metro Manila at iba pang karatig lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Robredo, layon ng inisiyatibo na magbigay ng tulong medikal lalo na sa mga mahihirap. Sa ilalim ng proyektong ito, maaaring magpalista para sa konsultasyon sa Facebook Messenger, kahit pa gamit ang free data.

“Ito pong ginagawa natin, attempt po ito na kahit paano makatulong tayo maka-decongest ng hospitals. Na iyong mga pasyente, whether COVID or non-COVID, na hindi naman kailangang ma-hospitalize, at least kahit nasa bahay lang sila, mayroon silang medical help na matatanggap,”sabi ng Bise Presidente

Sa mga pagkakataon namang may emergency cases na kailangan na agarang madala sa ospital, ire-refer sila ng OVP sa ‘One Hospital Command’, alinsunod sa kasalukuyang guidelines.

Ang inisiyatibo ay naging posible dahil sa tulong ng mga volunteer na doktor, health professionals, at iba pang mga Pilipino na nakiisa. Noong Martes ng gabi ay nakapagtala na ang OVP ng higit sa 2,300 volunteers para sa proyekto. (PFT Team)

Leave A Reply

Your email address will not be published.