4 OFWs nasawi sa train accident sa Taiwan

28

APAT na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kabilang sa mahigit 50 nasawi sa malagim na train accident sa Hualien, Eastern Taiwan kungsaan nadiskaril ang isang bullet train na bumangga sa nahulog na truck.

Inihayag ni Sherilyn Tomines, OFW sa Taoyuan District, Taiwan at tubong Naguilian, Isabela, naging maagap ang rescue team ng Taiwanese government para makuha ang lahat ng labi ng mga nasawi sa train accident.

Ang dalawa sa mga nasawing OFW ay kasama ng kanilang mga amo na nakatakda sanang mag-tour habang ang dalawa pa ay factory workers.

Aniya, ang truck ay dumaan sa ginagawang bahagi ng riles na naging sanhi para mahulog at mabangga ng tren na papasok sa tunnel kungsaan tatlong bagon ang labis na napinsala.

Mahigpit naman ang Taiwan sa pagpapatupad ng quarantine sa mga kaanak ng mga nasawi na magtutungo sa Taiwan kungsaan ay isasailalim muna sila quarantine.

Mahigpit rin ngayon ang Taiwan sa pagsasagawa ng pagluluksa para sa mga nasawing pasahero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.