Advertisers

Advertisers

China nagbabala: ‘Matinding ganti’ kapag pinuwersa paalisin sa Julian Felipe Reef

0 288

Advertisers

BINALAAN ng China ang Pilipinas na mananagot kapag sapilitang paalisin ng Philippine Army ang mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Pahayag ni Hu Xijin, editor ng Global Times newspaper ng Chinese Communist party, inakusahan ang Pilipinas na pinapalala ang pagsakop ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Ikinokonsidera kasi na “salamin” ng Chinese government policies ang Global Times na isang publication ng Chinese Communist Party.



Iginiit pa nito na ang Niu’e Jiao ay matatagpuan sa nine-dash line na makailang inaangkin ng China na kanila itong teritoryo.

Dagdag pa nito, na tila nagiging puppet ng US ang ilang opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Nauna rito, nagpahayag ng suporta ang US sa Pilipinas na kanilang sasamahan ipaglaban ang soberanya nito sa West Philippine Sea. (PFT Team)