Araw-araw na diplomatic protest vs China sinimulan na

79

NAGSIMULA na ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa paghahain araw-araw ng diplomatic protests laban sa China dahil sa pananatili pa rin ng mga barko nito sa West Philippine Sea.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na isa pang bagong diplomatic protest ang kanilang inihain nitong Miyerkules, Abril 7.

Pauna pa lamang aniya ito sa mga diplomatic protest na ihahain araw-araw hanggang sa hindi pa rin nililisan ng Chinese vessels ang karagatang sakop ng Pilipinas.

Nauna nang nagbanta ang Pilipinas na i-protesta ang presensya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea nang araw-araw matapos na magmatigas ang mga barko na ito na umalis sa Julian Felipe Reef at iba pang mga maritime features kahit pa makailang ulit na itong ipinanawagan.

Nabatid na magmula noong Marso, makailang ulit na iginiit ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pag-alis sa lugar ng naturang mga Chinese vessels.

Ang mga ito ay umano’y pinapatakbo ng maritime militia ng Beijing, bagay na mariing itinanggi naman ng China.

Leave A Reply

Your email address will not be published.