COVID-19 case bumaba sa 6,414; 163 gumaling; 242 namatay

54

BUMABA sa bilang na 6,414 ang naitalang kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) Miyerkules ng hapon, Abril 7.

Samantala ay mayroon namang naitalang 163 na gumaling at 242 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 19.4% (158,701) ang aktibong kaso, 78.9% (646,404) na ang gumaling, at 1.72% (14,059) ang namatay.

Ang mababang bilang ng kasong naitala ay bunga ng mababang bilang din ng mga samples na natanggap ng mga laboratories noong Abril 4, 2021. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.