Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na hindi na palalawigin ang price cap sa presyo ng karneng baboy at manok lalo na sa National Capital Region (NCR).
Saad ni DA Sec. William Dar, hanggang bukas na lang ang pagpapatupad ng naturang mandato matapos ipatupad sa loob ng dalawang buwan.
Maguguintang ipinairal ito dahil sa labis na paglobo ng presyo, matapos kumalat ang African swine fever (ASF), kung saan umabot ang halaga nito hanggang P330-P400 per kilo.
Pero kapalit ng itinatakdang presyo, nangako naman ang DA at DTI na maglalabas sila ng suggested retail price sa nasabing mga produkto.
Inalmahan naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang anila’y bara-barang hakbang ng DA, na nakakaapekto sa hog at poultry raisers. (Josephine Patricio)