Advertisers

Advertisers

FDA inaprubahan na ang paggamit ng Sinovac vaccine sa senior citizens

0 202

Advertisers

APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang rekomendasyon ng vaccine expert panel (VEP) na gamitin sa populasyon ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.

“After considering the recommendation of the experts and the current situation of high COVID-19 transmission and limited available vaccines, the FDA is allowing the use of Sinovac on senior citizens,” ani Director General Eric Domingo.

Kabilang aniya sa ikinonsidera ng FDA expert panel sa pag-aapruba ay ang limitado pang supply ng coronavirus vaccines sa Pilipinas.



Pati na ang kahalagahan na maprotektahan mula sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases ang mga senior citizens na itinuturing na “vulnerable.”

Nilinaw ng mga ahensya na bagamat may datos na sa Phase 1 at 2 clinical trials ng Sinovac vaccine sa senior citizens, hindi pa sapat ang ebidensya na mataas ang efficacy ng naturang bakuna sa mga matatanda.



Kaya naman inirerekomenda ng DOH at FDA na dumaan pa rin sa masusing evaluation ang mga senior citizen bago sila turukan ng Sinovac vaccine.

Magugunita na unang inaprubahan ng FDA ang Sinovac vaccine para sa mga may edad 18 hanggang 59-years old.



Ayon kasi sa VEP, kulang pa ang datos tungkol sa pagiging epektibo ng Chinese-made vaccine sa mga matatanda.
Base sa huling tala ng Health department, aabot na sa 922,898 doses ng bakuna na ang naiturok sa populasyon ng healthcare workers, senior citizens, at controlled comorbidity o may ibang sakit. (Josephine Patricio)