Advertisers

Advertisers

P163-M pinsala sa agrikultura ng bagyong “Bising”

0 252

Advertisers

TINATAYANG aabot sa P163.36 Milyon halaga ng produktong agricultural ang napinsala sa pananalasa ng bagyong “Bising” sa Bicol region at Eastern Visayas ayon sa ulat ng Department of Agriculture.

Sinabi ng DA sa naturang halaga aabot sa 3,353 magsasaka ang napinsala ang kanilang mga pananim ng naturang bagyo at 4, 826 hectares na agricultural area ang sinira ng naturang bagyo.

Ayon sa Department of Agriculture na kabilang sa mga naapektuhang kalakal ang bigas, mais, iba’t ibang gulay at prutas at produktong hayup, pangisdaan at agri-infrastructure.



Nabatid sa DA ang bagyong Bising ay kumikilos patungo sa direksyon ng northward o north northwestward mamayang gabi malapit sa landmass ng Northern Luzon.

Idinagdag pa sa ulat na bahagyang humina ang bagyong Bising at inaasahan sa sa SAbado ng gabi o Linggo ng umaga (Abril 25, 2021) ang bagyong Bising ay lalabas na ng Philippine area of responsibility.
Ayon pa sa DA bago pa mang makapasok sa Philippine area of responsibility ang bagyong Bising may kabuuang 14,589 ektarya ng bigas ang na-harvest na sa Region 5, 7, at 8 na may kabuuang 59,543 metric tons ng bigas ang naani na may halagang P1.08 Bilyon halaga.
Habang sa mais ay may kabuuang 534 ektarya ang na-harvest na mula sa Region 5 at 8 na may kabuuang produksyon ng 1,411 metric tons at may halagang P18.20 Milyon. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">