Advertisers

Advertisers

ANGEL LOCSIN LAGOT SA SIKSIKANG COMMUNITY PANTRY

0 220

Advertisers

PINAG-AARALAN na ngayon ng pamumuan ng Barangay Holy Spirit ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa aktres na si Angel Locsin sa inilatag nitong community pantry nitong Biyernes ng umaga.

Napag-alaman na nagdulot ng kaguluhan ang umano’y walang kaayusang pamimigay nito ng ayuda na nagresulta sa lantarang pagbabalewala sa umiiral na health protocol at pagkamatay ng isang senior citizen at pagkahimatay ng dalawang iba pa.

Ayon kay barangay Holy Spirit councilor Jomar Lagarto, walang ginawang koordinasyon ang kampo ng aktres sa kanila kung kaya’t walang nailatag na sistema para sa crowd control.



Aminado ang barangay na nagulat sila at di na kinaya ng mga barangay tanod at ng mga tauhan ng task force disiplina ang libu-libong mga tao na nag-uunahang makakuha ng ipinamimigay ng aktres.

Sa panayam kay Task Force Disiplina head Rannie Ludovica, aabot lang pala sa 300 ang stubs na naipamigay ng kampo ng aktres pero halos nasa tatlong libo ng katao ang dumating galing sa iba’t ibang district sa Quezon City.

Sa sobrang siksikan at dagsa ng tao na sinabayan ng matinding sikat ng araw, ay hinimatay ang 67 anyos na si Rolando Dela Cruz na siyang ikinamatay nito habang dalawa pang hindi nakilala ang nahimatay sa pila.

Nadismaya naman ang karamihan na dumating sa community pantry ni Locsin dahil umuwi silang walang nakuhang ayuda.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">