Advertisers

Advertisers

Distribusyon ng ayuda sa NCR Plus hanggang Mayo 15 nalang – DILG

0 223

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Department of Interior and Local Government (DILG) na umabot na sa 61.85% ang naipamigay sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilatag para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) at 4 na karatig lalawigan na apektado sa dalawang linggong re-imposition ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, nasa P4,000 cash aid ang ipinapamahagi kada pamilya.

Nilinaw din ni Año, sa Metro Manila nasa 68.51% complete na at mayroon ng ECQ-fund disbursement, sumunod ang Laguna na may 65.76% completion, Rizal with 56.9%, Bulacan with 53% at Cavite with 47%.



Tiniyak ni Año na ang distribusyon ng ayuda ay hanggang May 15 na lamang.

Saad pa ni Año na layon nito na kanilang matugunan ang mga complaints kaugnay sa pamamahagi ng pinansiyal na tulong at maayos na ito sa kanilang level ng sa gayon hindi na umabot pa sa pahahain ng kaso.

Pinuri naman nito ang mga LGUs sa maayos na pamamahagi ng cash aid.

Babala ni Año na kanilang papanagutin ang mga local officials na mapatunayang nangupit ng ayuda. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">