Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MALAKI ang potensyal sa pag-aartista ni Jake Ejercito noon nang mapanood sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang ka-love triangle ng Aldub.
Katunayan, marami ang na-excite sa kanyang presensiya.
After all, isa siyang showbiz royalty dahil produkto siya ng isa sa pinaka-influential clan sa showbusiness.
Pinag-usapan din ang first acting stint niya sa TAPE, Inc.na nasundan pa ng dalawang Lenten specials.
Pero somewhere along the way, hindi nagtuluy-tuloy ang pag-imbulog ng kanyang bituin.
Para kasi sa ilang observers, bantulot pa rin siya kung seseryosohin ba talaga niya ang kanyang karera bilang artista.
Last year, naging opisyal na miyembro pa siya ng Star Magic pero may mga nagsabing tila nabantilawan na ang kanyang karera.
Walang nangyari sa kanyang pagpapatali sa Star Magic dahil pumutok ang pandemya.
Lately, sa isang panayam, nagpaliwanag ang actor kung bakit bantulot siya sa pagpasok sa showbiz noon.
Aniya, nagugulumihanan daw siya noon dahil hindi pa niya talaga alam ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay.
Torn between politics and showbiz din daw siya noon at nadagdag pa na may isyu sila noon ni Andi Eigenmann sa kanilang anak na si Ellie.
“My first ever appearance on TV I was still in college and I was based abroad so hindi ko magawa lahat ng offers and I was also very reluctant talaga nung time na yun. Hindi ko sure kung anong gusto kong gawin sa buhay and being a young dad din I prioritized my daughter,” ani Jake.
Ngayon daw na maayos na ang relasyon niya sa kanyang mag-ina, na-realize raw niya na showbiz is his calling.
Katunayan, masaya siya dahil kasama siya sa “Marry Me, Marry You,” ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na kasama niya sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Sunshine Dizon.