Advertisers
NAKAPAGTALA lamang ng 5,685 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Mayo 5.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,961 na gumaling at 178 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (62,713) ang aktibong kaso, 92.5% (993,042) na ang gumaling, at 1.66% (17,800) ang namatay.
Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang bilang ng mga samples na natanggap ng mga laboratoryo noong nakaraang Sabado at Linggo.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)