Advertisers
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na matagumpay nilang naitaboy ang mga barko ng Chinese maritime militia sa Sabina shoal na sakop pa ng Philippine Economic Zone nitong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF WPS), nitong Abril 27 ay nagsagawa ng law enforcement operations ang PCG lulan ng BRP CABRA kasama ang dalawang barko ng BFAR na MCS 3002 at 3004 sa Sabina shoal na may layong 130 miles sa kanluran ng Palawan.
Dito na nila naabutan ang pitong barko ng China na kaagad naman nilang chinallenge dahil bahagi pa ito ng ating teritoryo.
Makalipas ang 20 minuto ay kaagad namang nagpulasan ang mga barko.
Makalipas ang dalawang araw ay muling bumalik ang BRP CABRA at muli na namang inabutan ang limang barko ng Chinese maritime militia subalit kaagad ding umalis ang mga barkong dayuhan.
Sinabi ni National Security Adviser at NTF WPS Chairperson Sec. Hermogenes Esperon na patuloy na paiigtingin ng PCG at BFAR ang maritime patrols sa Exclusive Economic Zone na sakop ng West Philippine Sea upang mapanatili ang ating soberanya at teritoryo. (Jonah Mallari)