Advertisers
UMATRAS si Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon niyang debate kay Supreme Court Retired Justice Antonio Carpio.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakahanda na umano ang Pangulo para sa isang mainit na debate subalit sinunod lamang nito ang payo ng mga Gabinete na huwag nang ituloy ang debate dahil walang maidudulot na mabuti sa bansa.
Gayunman, si Roque na lang umano ang haharap sa debate kay Carpio.
Magugunitang mismong ang Pangulo ang naghamon kay Carpio na magdebate hinggil sa territorial issue ng West Philippine Sea.
Kaagad namang kumasa sa hamon si Carpio at nanawagan na mag-resign na rin ang Pangulo.
Samantala, nag-alok naman ang Philippine Bar Association na maging host ng debate sa pagitan ng dalawang opisyal na kapwa abogado. (Jonah Mallari)