Advertisers

Advertisers

Edad 15-17 at 65-anyos pataas papayagan lumabas para makapagparehistro sa national ID

0 202

Advertisers

PAPAYAGAN na ng pamahalaan na lumabas ng kanilang bahay ang mga nasa edad 15-17 at 65-anyos upang makapagparehistro para sa kanilang Philippine National ID.
Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na para lamang ito sa pagpaparehistro sa national ID at hindi parin sila maaaring lumabas kung para sa iba pang aktibidad.
Una nang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga menor de edad at mga matatanda na lumabas ng kanilang mga tahanan dahil vulnerable sila sa COVID-19.
Noong nakaraang buwan ay inilunsad na ng pamahalaan ang online registration system para sa national ID program.
Pero nagkaroon ng problemang teknikal ang proseso matapos na dagsain ng 46,000 users na nagnanais na maka-access sa website, ilang minute pa lamang matapos itong magbukas.
Layunin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagtala ng 70 milyong national ID registrants bago matapos ang 2021. (Andi Garcia/Jonah Mallari)