Advertisers

Advertisers

DOLE: Halos 5K Pinoy nurses abroad makakabalik-trabaho na

0 313

Advertisers

TINIYAK ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho sa abroad ang halos 5 libong Pinoy nurses na nawalan ng hanapbuhay dahil sa global pandemic.
Nilinaw ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na ang 4, 610 Pinoy nurses na nakatapos na ng kanilang kontrata sa ibang bansa ay maaari nang mag trabaho muli dahil sa pagiging in demand ng mga ito sa ibang bansa.
Kinumpirma naman ni Bello na tinanggal na ng United Kingdom ang employment cap na 5K para sa Filipino nurses dahil sa oversupply.
Posible rin umanong tanggalin ang employment cap sa Germany.
Duda naman si Bello na kapusin ang nurses sa bansa dahil sa taas ng demand ng Pinoy nurses sa ibang bansa. (Josephine Patricio)