Advertisers
ISASAILALIM sa mas mahigpit na General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region Plus (NCR+) simula Mayo 15 hanggang 31.
Sa televised address ni Pangulo Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi, Mayo 13, mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay ibinaba sa GCQ with heightened restriction ang quarantine classification sa NCR+ dahil bumababa na rin ang kaso ng covid-19.
Gayunman, bawal pa rin ang mass gatherings at hindi pa lubusang bubuksan ang ekonomiya dahil posible pa ring tumaas ang covid cases.
Papayagan ang 20% indoor dining capacity habang 50% naman sa outdoor dining.
Pwede rin ang mga specialized markets habang 30% capacity lamang ang papayagan para sa outdoor tourist.
Ang religious gatherings, lamay at libing ay limitado pa rin sa 10%capacity, habang 30% capacity naman ang papayagan para sa mga salon at personal care services.
Bawal pa rin mag-operate ang mga entertainment bars, sinehan, internet cafe at bilyaran.
Ipinauubaya na ng Pangulo sa barangay at mga local government unit (LGU) ang pagpapatupad ng mga health and safety protocols.
Tiniyak naman ni Interior and Local government Secretary Eduardo Año na magkatuwang ang LGU at kapulisan upang mapanatiling mababa ang covid cases. (Jonah Mallari/Josephine Patricio)