Advertisers

Advertisers

Titser, 5 pang ‘adik’ huli sa drug den

0 379

Advertisers

ARESTADO ang isang high school teacher at limang iba pa sa isang drug den na sinalakay ng mga operatiba ng PDEA-La Union, PDEA-Baguio at Tubao Police Station sa Barangay Teresa, La Union nitong umaga ng Martes.

Ang mga nadakip sa drug den ay nakilalang sina Jocelyn Vergara, 47 anyos, high school teacher, at residente ng Hamada Subdivision, Baguio City; Michael Bulatao, 46, fruit vendor, nakatira rin sa Hamada Subdivision; Bong Joel Salvador, 37, ng Bembo, Makati City; Roland Galera, 48, painter mula sa Brookside, Teachers Camp, Baguio City; Baby Boy Dennis Paguio, 47, nakatira sa Green Valley Village, Bgy. Dongtogan Baguio City; at Brendon Cables, 47, ng San Carlos Heights Baguio City.

Nasamsam sa drug den ang halos 20 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P136,000.00 kabilang ang iba’t ibang drug paraphernalias at isang weighing scale.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">