Advertisers

Advertisers

Secretary ng mayor itinumba

0 413

Advertisers

PATAY ang 60-anyos na private secretary ng alkalde ng munisipyo nang pagbabarilin sa loob ng bahay nito ng dalawang lalaki sa Barangay Tambo, Camarines Sur, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Salvador Dela Cruz Nasol, resi-dente ng nasabing lugar at secretary ng Office of the Municipal Mayor ng Pamplona.

Sa ulat, 9:30 ng gabi habang nasa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.



Sa hindi malamang kadahilanan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at mabilis na tumakas ang mga salarin.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">