Advertisers

Advertisers

Piolo kasunod na ni Lloydie sa Kapuso; Kim type na umuwi ng Cebu nang masampal sa serye

0 173

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

BINULGAR ni John Lloyd Cruz nang ma-interview siya ni MTRCB Chairwoman Rachel Arenas na may nakalatag siyang sitcom sa TV5 pero  hindi  nag-materialize at si Direk Bobot Mortiz  din sana ang magdidirek. Problema lang ay hindi sila nakakuha ng timeslot.

Samantala, sa pagpirma ni John Lloyd ng kontrata sa WBR Production ni Willie Revillame ay tila nawalan na agad ng papel ang management  group ni Maja Salvador.



Nagpa-press release pa nga sina Maja na nagsasabi na officially ay sila na nga ang hahawak sa showbiz  career ni Lloydie.

Ang problema ay si John Lloyd mismo ang nakipag-negotiate sa WBR  ni Willie katulong si Mr. Johnny Manahan na hindi naging maganda ang hiwalayan sa Brightlight  Productions.



Pero teka, gaano katotoo na after John Lloyd ay may tsikang si Piolo Pascual naman umano ang susunod na pipirma ng kontrata sa production ni Willie?

Sa kasalukuyan daw ay nakikipag-negotiate na rin sina Mr. M at Direk Bobot  na tauhan na rin ngayon ni Willie.



So kung totoo at walang magiging problema ay magiging Kapuso na rin ba si Papa P tulad ni John Lloyd?

Magiging tatlo na silang magiging Kapuso, nauna na si Bea Alonzo na hindi pa rin naman klaro kung totoo nga na isa nang Kapuso.

***

SA  latest  YouTube vlog ni  Kim Chiu sumabak ito sa Truth and Drink  challenge na sasagutin niya ang mga tanong at kung hindi masagot ay iinumin niya ang mga nilatag gaya ng suka, toyo, brandy, wine atbp.

Tanong sa  kanya  ay kung nagpautang na raw ba siya sa boyfriend  or  ex-boyfriend?

“No, pasalamat  na lang sa Diyos at ang mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila,” sagot ni Kim.

Isa pang tanong ay kung nagka–dyowa na ba siya ng pangit?

“Hindi, hindi ako nagdyo-jowa ng pangit.”

Sa tanong naman kung nasampal na ba siya ng totoo sa isang eksena at kung sinong artista ito.

“Ay, oo, okey lang, Glydel Mercado, sa Sana Maulit Muli, first teleserye. Ang sakit  talaga! Pero  du`n  ko naman  hinugot  ang acting  ko pero okay lang naman,” aniya.

Sabi pa niya, todo iyak daw siya talaga pagkatapos sampalin ni Glydel sa eksena at gusto na niyang umuwi ng Cebu.

“Nagkulong  ako  sa  kotse  nu`n.  After  ng  eksena nagkulong ako,  tumakbo ako sa kotse ko. Revo pa kotse ko nu`n, Tapos crayola talaga ako, gusto ko nang umuwi  sa Cebu dahil  sa sampal. Buti na lang, napigilan ko yung self ko,” aniya.