Advertisers

Advertisers

Maine naninibago sa pagho-host sa bagong show ng TV5

0 176

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na pagtatalunan pa kung pasado na ba ang isang Maine Mendoza sa pagiging host. Halos 6 na taon na rin naman siyang na-trained na maging host sa “Eat Bulaga” at naging daan niya ito para mapasok nang tuluyan ang mundo ng showbiz.

Ngayon ay may bagong hamon sa kakayanan ng dubsmash queen na si Maine,  isa kasi siya sa napiling mag-host together with Dabarkads Paolo Ballesteros sa isang talent search show na co-produced ng APT Productions na nakakontrata si Maine, ang “PoPinoy” na mapapanood sa TV 5. Ayon kay Maine, hindi raw ganun kadali para sa kanya na mag-adjust sa bagong hosting job, nakasanayan na niya kasi ang pagiging kikay na host sa EB at iba naman ang atake ng mga host pagdating sa isang talent search show.



“Basta something different lang from Eat Bulaga! Siguro ‘yong hindi rin nakikita ng mga tao. Mas less casual siguro.

“Pipilitin naming magpaka-pormal. Hindi, pero siguro ‘yong hindi pa nila nakikita sa Eat Bulaga! and hindi pa rin naman namin alam ni Kuya Pao so ie-explore pa namin ‘yong part na ‘yon,” say ni Maine.



Bukod kay Paolo ay may bago siyang makakasama sa PoPinoy na hindi pa niya nakasama sa isang show, si Maja Savador ang isa sa mga judge na tinatawag na Headhunters  na binubuo nina Maja, JayR, Kayla Rivera, and DJ Loonyo.

“Siguro prinepare ko lang ‘yong sarili ko mentally kasi ibang environment ‘to and iba rin ‘yon makakasama ko pero excited din naman ako kasi for sure marami rin naman akong matututunan sa show.



“And hopefully, magkaroon ng friendship sa head-hunters. So, doon ako pinaka-excited. Ayon, no other preparation aside from being mentally prepared for everything,” dagdag na say pa ni Maine.

***

PASASALAMAT sa Kapatid na EDUARDO V. MANALO para sa ‘Lingap sa Media Frontliners’

MEDIA frontliners are the beneficiaries of the latest Lingap sa Mamamayan (Aid to Humanity) of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) which continues to help those affected by the pandemic. (Eagle News Service).

Representatives of various media group, including the National Press Club (NPC) and the Philippine Movie Press Club (PMPC), who attended the turn-over ceremony of about a thousand goodwill bags for the media frontliners held at the Eagle Broadcasting Corporation headquarters in Quezon City, were very thankful that the INC or Church Of Christ, especially INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo remembered them.

The goodwill bags contained grocery items, vitamins, canned goods, and health essentials like face masks and face shields.

Thank  you to Mr. Eduardo Manalo,  Mr. GP Santos and Eagle Broadcasting Corporation/Net25 executive Mr. Cesar Vallejos. And special thank you also to Cesar Ian Batingal.