Advertisers

Advertisers

Filipino United Nurses umalma sa deployment ban ng POEA

0 434

Advertisers

PINALAGAN ng Filipino Nurses United (FNU) ang desisyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magtakda ng deployment ban sa mga nurses, nursing aids at nursing assistance matapos na maabot na ang 5,000 cap para sa ngayong taon.

Ayon sa naturang grupo ng mga nurses, hindi makatwiran ang desisyon na ito ng POEA dahil marami pa sa mga nurses sa ngayon ang nasa proseso pa lang nang pag-apply sa trabaho sa ibang bansa, naghahanda ng kanilang mga dokumento, sumasailalim sa examinations, at kumukuha ng mga visa at iba pang requirements.

Giit pa ng FNU na hindi dapat ipinapatupad ang deployment ban sa ngayon lalo pa at mayroon namang sapat na bilang ng mga nurses sa bansa.



Hindi umano mangingibang bansa ang mga nurses sa bansa kung nabibigyan sila ng maayos na sahod at benepisyo.

Sa isang advisory, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na noon pang Hunyo 1 naabot ang 5,000 cap sa mga healthcare workers na ipapadala abroad.

Dahil dito, hindi na aniya magpoproseso at magbibigay ang POEA sa ngayon ng overseas employment certificates para sa mga bagong hire lamang.

Gayunman, iyong mga nabigyan na ng OECs ay maari namang makalabas ng bansa, ayon kay Olalia. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">