Advertisers
SA pagsisimula ng rollout ng libreng checkup at diagnostic examinations sa buong probinsya ng Benguet, siguradong malaking tulong ito sa mga mamamayan nito.
Kaya pinagpapasalamat ng mga mamamayan ng Benguet na naging “care taker” ng probinsya si Act-CIS Rep. Eric Yap na puspusan ang aruga at pagmamahal sa kanila.
“Uunahin natin ang Barangay Health Workers (BHW) at barangay nutrition scholarship (BNS) na umiikot sa lalawigan para siguraduhin na ligtas ang ating mga komunidad,” pahayag ni Rep. Yap.
Matatandaan na mula maging “caretaker” si Rep. Yap ng Benguet, naging sunod-sunod ang programa nito na malaking tulong sa paglaban sa Pandemya.
Kamakailan lang, namahagi ito ng bigas maging sa ibang munisipalidad upang patuloy na makatulong na mas gumaan ang buhay ng mga mamamayan ng Benguet.
Layunin nina Rep. Eric Yap at Gov. Melchor Diclas na maging ligtas at protektado ang lahat ng residente ng lalawigan.