Advertisers

Advertisers

Sa Trehdya ng Pananaksak sa isang Grade 8 student ng Las Piñas National High School

0 3

Advertisers

Mariin kong kinokondena ang brutal na pananakit at pananaksak sa isang Grade 8 na mag-aaral ng Las Piñas National High School.

Walang batang Las Piñero ang dapat mabuhay sa takot o malagay sa panganib habang pumapasok o umuuwi mula sa paaralan.

Nananawagan ako sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas, mga paaralan, mga awtoridad, at buong komunidad—Palakasin natin ang seguridad sa loob at paligid ng mga paaralan, paigtingin ang koordinasyon ng mga paaralan, barangay, mga magulang, at law enforcement, at tiyaking may maagap na pagtugon sa anumang banta ng karahasan.

Lubhang nakalulungkot na ang mga suspek ay pawang mga menor de edad, at karamihan sa kanila ay mga out-of-school youth. Sa halip na masangkot sa krimen, ang ating mga kabataan ay dapat nasa paaralan o nabibigyan ng pagkakataong makabalik sa pag-aaral at magkaroon ng maayos na direksyon sa buhay.

Isa itong paalala na kailangan nating palawakin ang mga programa para sa edukasyon, youth intervention, at mental health upang mabigyan sila ng tamang paggabay, suporta, at mga oportunidad upang makaiwas sa landas ng karahasan.

Ipinagdarasal ko ang agarang at ganap na paggaling ng biktima. Ipinaaabot ko rin sa kanyang pamilya na handa kaming magbigay ng anumang tulong na aming makakaya sa panahong ito.

Nawa’y magsilbing panawagan ang insidenteng ito upang lalo nating pagtibayin ang ating sama-samang responsibilidad na tiyaking ligtas ang bawat mag-aaral. Ang ating mga paaralan ay dapat manatiling mga lugar ng karunungan at paghubog ng mabuting asal, at pag-asa—hindi ng karahasan at takot.