Advertisers

Advertisers

Gabby at Sanya masaya pag magkasama; Jennica malaking pasalamat sa inang si Jean sa pagbabalik-showbiz

0 237

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING netizens ngayon lalo na yung followers ng tambalan ng lead actors sa toprating serye ng Siyete, ang “First Yaya” na sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, ang kilig na kilig at inaabangan ang mga lambingan ng dalawa sa internet na tila ba nagpapahiwatig ng sa magkarelasyon.

Unang napansin ng mga netizen nang mag-post si Sanya ng matalinghaga at nagkomento naman dito si Gabby.



Sanya: “Magiging totoong masaya ka lang kapag hinayaan mong maging masaya hindi lang ang sarili mo, kundi pati ang iba.”

Gabby: “Don’t wait for things to get better. Life will always be complicated. Learn to be happy right now, otherwise you will run out of time. Time is fleeting… #transient #fleeting.”

Sa sumunod na mga araw ay nagpost ulit si Sanya ng isang photo na magkahawak sila ng kamay at nilagyan ito ni Sanya ng caption na tila inaabangan naman ni Gabby na magpost ulit ang kalabtim at sinagot rin niya ito.

Sanya: “Masaya kapag kasama ka”

Gabby: “Masaya din pag kasama ka #melodeer.”



But wait, there’s more. Sa mga sumunod na post pa ni Sanya ay tila mas may hatid pang kilig sa mga supporters nila. Nagpost si Sanya ng isang larawan niya na kitang-kita ang kagandahan niya at nilagyan niya ito ng caption at tulad ng inaasahan ay muling sinagot ito ni Gabby.

Sanya: “#BakaYayaMelodyYan.”

Gabby: “#girlfriendkoiyan.”

Sanya: “#boyfriendkoiyan”.

Nitong kamakailan lang ay nagpost ulit si Sanya ng larawan na magkasama na sila ni Gabby at nakahawak pa ang aktor sa katawan ni Sanya.

Sanya: “Hanggang saan natin kayang ipaglaban?”

Gabby: “Nasabi ko na sa mga magulang ko. Akin iyan – PGA.”

***

AMINADO si Jennica Garcia ns na-miss niya nang sobra ang showbiz. Simula kasi nang ipinasyang lumagay sa tahimik na si Jennica ay nag-full time mother and wife siya.

Ngayon na hiwalay na sila ng mister na si Alwyn Uytingco ay ipinasya ni Jennica na muling magbalik showbiz dahil nasa kanyang poder ang dalawang anak nila ni Alwyn.

Kasama si Jennica sa seryeng pagbibidahan ng nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez, ang ‘Las Hermanas’ kasama sina Jason Abalos, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Salva, Rita Avila at marami pang iba. Sa ngayon ay nasa lock in taping si Jennica, kanino naman kaya napunta ang pansamantalang pagangalaga ng dalawa niyang bagets na babae?

“I want to thank my mom for taking good care of them while I’m away sa lock in taping. I also want to thank her for being very understanding and supportive sa pinagdaraanan ko ngayon,” ani Jennica.

Maging ang mga kasamahan sa lock-in taping ni Jennica ay napuna ang saya niya sa set na tila ini-enjoy ang pagbabalik niya sa pag-arte.

“Na-miss ko talaga ang pag-arte, but now, it’s good malaki-laki na ang daughters ko, Athena Mori and Alexi Severina, and they understand naman na kailangang magtrabaho ang mommy nila who is now a single mom,” dagdag pang say ni Jennica.