Advertisers

Advertisers

DRILON, VILLANUEVA IPINALALABAS ANG PRESYO NG COVID-19 VACCINES!

Napakalaki na ng nagastos pero tingi-tingi ang dating!

0 328

Advertisers

UMAPELA sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Joel Villanueva sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health na isapubliko ang presyo ng mga biniling COVID-19 vaccines, partikular na ang paggasta sa inilaan na P82.5 bilyon para ipambili ng mga bakuna.

Ito ay kasabay sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa pagkasa ng vaccination rollout program ng gobyerno nitong Martes, Hunyo 15.

Hiniling din ni Drilon na isumite sa Senado ang lahat ng pinasok na kasunduan ng gobyerno sa vaccine manufacturers.



“Aking hinihiling kay Secretary Galvez at Secretary Duque na ipadala na ang mga supply agreements na napirmahan na. Hindi na ito confidential. Ang non-disclosure agreement ay hindi na ubra dito at ito ay pera ng taumbayan. These are public records,” ayon kay Drilon.

Samantala, nais naman ni Villanueva na maging malinaw kung magkano ang presyo ng bawat dose ng mga bakuna para sa minimum 140 million doses na kinakailangan para maabot ang ‘herd immunity.’



Ani Villanueva, mahalaga na ang paglaan ng pondo ay hindi lang para sa isang taon kundi sa maraming taon.

“Kung aabutin po ng ilang taon ang pagbabakuha, mas mainam na gawin na rin nating multi-year ang appropriation, or at the very least, ang projection,” dagdag pa ni Villanueva.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">