Advertisers

Advertisers

Sa paglipat sa Siyete… Beauty pagawa na lahat ‘wag lang pakantahin

0 286

Advertisers

 

PARA sa bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzales ay isang malaking hamon agad ang binigay sa kanya ng Kapuso Network, ang magbida sa isang teleserye na mas bata sa kanya ang magiging leading man. Kaya ganun na lang ang saya ni Beauty nang pumirma siya ng kontrata sa Siyete.

First time para sa aktres na may kalabtim siyang hamak na mas bata sa kanya at marami ang nagsasabing si Kelvin Miranda ito, na nagmula sa hit  na seryeng “The Lost Recipe”, at may working title na “Loving Miss Bridget”, na ididirehe naman ng award winning indie direktor na si Adolf Alix, Jr.



At dahil sa importansiyang binigay sa kanya ng bagong mother network, labis ang pasasalamat ni Beauty.

Pero may talent lang na ni-request si Beauty na wag sanang ipagawa sa kanya ng GMA?



“Ang hindi ko lang kaya is kumanta, kasi baka katapusan na yun ng career ko. I just feel so blessed that I get to continue with my job and thankful to GMA for this opportunity and my career growth with them,” dagdag pang say ni Beauty.

***



KUH LEDESMA AT MAESTRO LOUIE OCAMPO LEVEL UP SA 12th STAR AWARDS FOR MUSIC

KAPWA gagawaran ng mataas na pagkilala ng Philippine Movie Press Club sa nalalapit na awards night ng parating na ika-12 na edisyon ng Star Awards For Music sina Ms. Kuh Ledesma at Mr. Louie Ocampo.

Sila ang napisil ng club na pagkalooban ng mga pinakamataas na karangalan sa taunang pagdiriwang na ito ng PMPC. Si Kuh ay gagawaran ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award bilang singer habang si Louie naman ay sa Parangal Levi Celerio sa pagiging composer nito.

Iaanunsiyo sa mga darating na araw ang detalye ng pagdiriwang  na gagawin sa pamamagitan ng virtual awards night. Pamumunuan ito ng kasalukuyang Presidente ng club na si Roldan Castro.

Anong kanta at kaninong album kaya ang kikilalanin the best among the best kahit pa may pandemya sa bansa. Narito ang mga nominado sa naturang mga kategorya.

SONG OF THE YEAR

  1. Huling Sandali – December Avenue | Tower of Doom Music
  2. Imposible – KZ Tandingan feat. Shanti Dope | Star Music
  3. Kung ‘Di Na Ako – Agsunta | Star Music
  4. Mabagal – Daniel Padilla and Moira Dela Torre | Star Music
  5. Pagtingin – Ben & Ben | Sony Music Philippines
  6. Patawad, Paalam – Moira Dela Torre feat. I Belong To The Zoo | Star Music
  7. Pusong Naliligaw – Sharlene San Pedro feat. Zach Tabudlo | Ivory Music and Video Inc.

ALBUM OF THE YEAR

  1. Amgo – Viva Records
  2. BobRey Live- GMA Music
  3. Evolution – Star Music
  4. Feels Trip – Star Music
  5. Himig Handog 2019 – Star Music
  6. Langit Mong Bughaw – Tower of Doom Music
  7. Limasawa Street – Sony Music Philippines

Sino naman kaya ang aangat sa magtatagisang galing na mga singer artist sa male and female division?

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

  1. Daniel Padilla – Mabagal | Star Music
  2. Garrett Bolden – Handa Na Maghintay | GMA Music
  3. Gloc 9 – Dungaw | Aristotle Pollisco Music
  4. Janno Gibbs – Walang Kupas | Viva Records
  5. John Rendez – Think About It | Star Music
  6. Sam Mangubat – Ikaw At Ikaw Pa Rin | Star Music
  7. TJ Monterde – Karera | PolyEast Records

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

  1. Aicelle Santos – Bakit Siya | GMA Music
  2. Julie Anne San Jose – Nobela | Universal Records
  3. Kuh Ledesma – Sama-Sama sa Pasko | Bravo Records
  4. KZ Tandingan – Halik sa Hangin | Star Music
  5. Moira dela Torre – Mabagal | Star Music
  6. Regine Velasquez – I am Beautiful | Vehnee Saturno Music Corp.
  7. Sarah Geronimo – Ang Tangi Kong Pangarap | Viva Records