Advertisers
ITINUTULAK ni Quezon City Rep. Anthony Peter Crisologo na mabigyan ng hazard pay ang lahat ng mga opisyal at manggagawa sa barangay.
Tinukoy ng kinatawan sa inihaing House Resolution 1834 na bigyan ng mga LGU ang lahat ng mga barangay officials at workers na nagsilbi bilang mga frontliners ngayong may health crisis ng hazard pay.
Aniya, mas lumitaw sa gitna ng pandemiya ang mahalagang papel ng mga barangay officials at workers lalo na sa pagtiyak na naipapatupad ang mga national programs magmula sa health promotion hanggang sa pamamahagi ng ayuda.
Dahil sa hindi sakop ng Civil Service Rules ang mga barangay health workers, tanod at ibang barangay employees kaya hindi rin sila nakakatanggap ng kaparehong benepisyo tulad sa mga regular na government employees. (Henry Padilla)