Magpapakasal na rin ba? Jennylyn at Dennis sinasanay na ang mga anak na magkasama sa bahay; Jericho mag-oober da bakod na rin sa Siyete?
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MATAPOS i-feature ni Heart Evangelista ang ama na si Reynaldo Ongpauco sa kanyang latest vlog ay ang kanya namang glamorosong ina na si Cecilia Ongpauco ang kanyang guest.
With her sister Camille na nagluto ng pasta habang nagkukuwentuhan, ipinakita ni Heart na okey na rin ang kanyang mommy at husband na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.
Naitanong ni Heart sa ina kung ano ang advice niya sa kanyang marriage.
“You`re fine, you`re happy,” sagot ng mommy ni Heart.
At sa pagkakataon na yun ay biglang hinila ni Heart si Chiz sa camera at saka sila nagkatawanan. Pagpapatunay na okey na rin ang relasyon ni Chiz sa biyenan.
“Chiz, you know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don`t stop her growth. Ikaw full grown ka na, kumbaga. But you don`t cramp her style,” say ng mommy ni Heart kay Chiz.
Humingi rin ng saklolo si Heart sa ina para ipagtanggol siya laban sa mga bashers na nagsasabing retokada ang kanyang ilong at mata.
“Of course not,” say ng mommy ng actress at dagdag pa nito na, “I think, medyo hawig ang ilong namin.”
Sabi pa ni momsie, lagi raw niya sinasabi kay Heart noong bata pa ito na laging i-press ng 100% upward ang ilong araw-araw para tumangos. Dahil masunuring anak ay sinunod nito ang payo ng ina.
Sabi ni Heart, since seven years old ay ginagawa na niyang pisilin ang kanyang ilong para tumangos.
“She would do it every day, that`s why nag-improve,” kuwento ng mommy ni Heart.
Ayon pa kay Heart, lahat daw ng kilos, pananamit at pagsasalita niya ay dahil sa turo ng kanyang ina. Pati nga raw kung paano alagaan ang kanyang katawan, skin, mukha ay itinuro sa kanya ng ina.
Noon nga raw ay hindi maintindihan ni Heart kung bakit ganoon na lang kahigpit ang kanyang ina, ngayon daw ay nauunawaan na niya na it`s all for her own good. At napatunayan niya na tama lahat ang sinasabi ng kanyang mommy.
Kapag nagkaanak na raw siya ay ganoon din ang gagawin niyang pagpapalaki lalo na kung babae.
***
IPINOST ni Jennylyn Mercado sa Facebook ang mga larawan nila ni Dennis Trillo noong Father`s Day na kasama ang kani-kanilang anak na si Calix (anak ni Dennis) at anak ni Jennylyn na si Jazz.
May kuha ring kasama ni Dennis ang dalawang tsikiting na may caption na “Dennis and his two boys.”
Hindi lang sa pagdiriwang ng Father`s Day nagkakasama sina Jennylyn at Dennis with their respective boys. Katunayan ay madalas silang nagbo-bonding apat. Feeling tuloy ng netizen ay inihahanda na ng dalawa sina Calix at Jazz na tumira sa isang babay kapag sila ay nagpakasal na.
Samantala, naudlot ang worldwide premiere ng Legal Wives ni Dennis dahil hindi raw natapos ang mga dapat sanang last scene. Kung walang magiging aberya ay baka next month na ito mapapanood.
Kaya ang dapat sanang June 21 premiere ay naurong na naman.
Dahil matagal pa raw magsisimula ang lock-in taping ni Jennylyn ng bagong serye sa GMA ay maggi-guest muna ito sa ibang shows ng network, gaya ng Daig Kayo ng Lola Ko na apat na linggo silang magbibida ni Paolo Contis.
***
ISA si Jericho Rosales sa magiging guest sa Mars Pa More para sa birthday presentation ng mga host na sina Iya Villania na birthday sa June 29 at Camille Prats (nagdiwang ng kaarawan last June 20).
Sa dalawang host ay mas close raw si Echo sa mag-asawang Iya at Drew Arellano. Kasama pa ni Echo sa riding crew na The Brad Pack si Drew.
Bukod kay Drew ay kasama rin sa The Brad Pack sina Ryan Agoncillo, Sid Maderazo at Paolo Abrera na kasama ring babati kina Iya at Camille.
Solid daw ang samahan ng The Brak Pack dahil makikita ang larawan nila habang nagmo=motorsiklo at minsan pa raw ay sa bahay nina Judy Ann Santos at Ryan sila nagbe-breakfast.
Kahit na raw sandali lang ang itatagal ng paglabas ni Echo sa show nina Iya at Camille ay sigurado raw na ito ay pag-uusapan.
Iisipin ng netizens na tanda ito na lilipat na rin si Echo sa GMA Network, lalo na at may naba-blind item na isa pang Kapamilya actor, bukod kay Piolo Pascual, ang lilipat na rin sa Kapuso.
Well, walang masama kung magsilipat na sa ibang network ang mga artista na wala nang project na aasahan sa dating network.