Advertisers
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa 2022 Presidential elections ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ang pahayag na ito ni Roque ay taliwas sa unang pahayag na ayaw umano ni Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo ang anak niyang si Mayor Sara.
Ayon kay Roque, si Mayor Sara ang ieendorso ng Pangulo, subalit kung ayaw nito ay mamili siya kay Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, at dating Sen. Bongbong Marcos.
Dagdag pa ni Roque, hindi umano makaantay si Pacquiao na ieendorso ni Duterte, at posible umanong ito ang dahilan kung bakit hindi na maayos ang relasyon nina Pacquiao at Duterte.
“Natapon na ang sabaw kumbaga,” ani pa Roque.
Hinamon din umano ng Pangulo si Pacquiao na pangalanan ang ahensya at opisyal na sangkot sa korapsyon at kung wala umano itong mapatunayan ay malinaw na namumulitika lamang ang senador. (Jonah Mallari)