Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAPANSIN ng isang basher ang pagiging close ni Derek Ramsay kay Elias, anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Katunayan, feeling nito ay ginagampanan na niya ang pagiging ama kay Elias kahit pa si Lloydie ang biological dad ng huli.
Ito ay marahil napansin niya na mas marami pa ang bonding time ni Elias with his Tito Derek kumpara kay John Lloyd.
Kaya naman, hindi nakapagpigil itong magkomento sa closeness nina Derek at Elias.
Ani basher, masuwerte raw at may stepdad na nag-aalaga kay Elias.
Pinapurihan pa niya ang hunk actor dahil sa pagsalo umano nito ng responsibilidad ni Lloydie.
Sey pa niya, dapat daw na magpasalamat din si Lloydie kay Derek sa pagkalinga sa kanyang anak.
“Buti na lang may stepdad na tagapag-alaga sa anakshie ni JL. Good job dadz Derek… Kampay [two beer emojis] Say thank you Lloydie haha,” hirit ng basher.
Hindi naman nagustuhan ni Derek ang pinupunto ng basher kaya naman ipinagtanggol nito ang ama ni Elias.
“Bro, that’s not nice. JL is a good father to Elias,” sawata ni Derek sa basher.
Kamakailan lang ay nag-celebrate si Elias ng kanyang kaarawan na kasama niya ang daddy niyang si Lloydie sa isang Spider Man themed party.
Speaking of Derek, marami naman ang na-touch sa ipinost ng aktor na mensahe sa kanyang anak na si Austin sa okasyon ng kaarawan nito sa kanyang Instagram account.
“My little boy turns 18 today. We have had our ups and downs son but you know that I love you and I will always have your back. Enjoy over in Dubai and I’ll see you soon. Happy birthday,” mensahe ni Derek.
Si Austin ay anak ni Derek sa kanyang dating non-showbiz partner na si Mary Christine Jolly na ang kanilang pagsasama at kasal ay nauwi sa hiwalayan at pagpapawalang-bisa ng marriage union.